Implementasyon ng ASEAN declaration kontra human trafficking, suportado ng Pilipinas

Suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga hakbang ng ASEAN countries laban sa transnational crimes, partikular ang paggamit ng teknolohiya sa mga iligal na gawain.

Sa kanyang intervention sa plenary ng ASEAN Summit, iginiit ng Pangulo ang kahalagahan ng mas maigting na regional cooperation upang labanan ang mga transnational crimes, tulad ng human trafficking.

Kaugnay nito, muling pinagtibay ng Pangulo ang commitment ng bansa sa full implementation ng ASEAN Declaration to Prevent and Combat Trafficking in Persons Caused by the Abuse of Technology.

Ayon kay Pangulong Marcos, mahalaga ang agarang pagbabahagi ng impormasyon, matibay na ugnayan sa pagitan ng mga law enforcement agencies, at modernisasyon ng mga estratehiya para mapigilan ang lumalalang paggamit ng makabagong teknolohiya sa panlilinlang at illegal recruitment.

Facebook Comments