Nagsimula nang mamamahagi ng pamphlets sa mga negosyante sa Bayambang ang lokal na pamahalaan bilang abiso sa pag-iimplementa ng Oplan Business Permit Sita.
Ang Business Permit Sita ay mula sa pangunguna ng Business Processing and Licensing Office at sa tulong ng MTICAO.
Inikot ng mga ito ang bayan upang ipamahagi ang mga pamphlets at muling paalalahanan ang mga negosyante na mag-apply sa Munisipyo ng kanilang mga permit, at mga iba kakailanganing dokumento para sa legal na pagnenegosyo.
Dapat umanong masunod ang mga pamantayan at mga kakailanganin upang hindi mapatawan ng penalty o di kaya ay tuluyang pagpapasara sa negosyo.
Kaugnay dito, naghain naman ang Sangguniang Bayan ng mga panukalang ordinansa kung saan pagsususpinde ng naturang penalty sa buwan ng Enero ngayong taon at nag-su-suspinde ng bayarin sa una o dalawang buwan mula Enero-Pebrero ngayong tao para sa mga nasunugang ng pwesto sa pamilihang bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨