Implementasyon ng dagdag-sahod ng mga kawani ng gobyerno, nagsimula na

Umarangkada na ang implementasyon ng taas-sahod para sa mga manggagawa sa gobyerno habang nagsimula nang ilabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga nakalaang pondo para rito.

Ito ang kinumpirma ni DBM Sec. Amenah Pangandaman kasunod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Executive Order No. 64 noong Agosto 2, 2024, na nag-aapruba sa Salary Standardization Law VI para sa lahat ng mga civil service personnel.

Ayon sa DBM, as of 1:00 p.m. kahapon, umabot na sa P31.93 bilyon ang nailabas para sa 257 na departamento at ahensya, habang 58 pang iba ang kasalukuyang pinoproseso.


Batay sa pinakabagong datos aniya ng DBM, ang mga pondo para sa salary adjustments ay nailabas na sa iba’t ibang mga departamento at ahensya tulad ng Congress, Office of the President, Office of the Vice President, Department of Agriculture, DBM, State Universities and Colleges, Department of Education at iba pa.

Facebook Comments