IMPLEMENTASYON NG HAPAG BARANGAY PROJECT SA ALAMINOS CITY, ININSPEKSYON

Sumailalim sa ika-apat na balidasyon ng Department of Interior and Local Government ang implementasyon ng HAPAG Barangay Project sa Alaminos City.

Ang nasabing inspeksyon ay bahagi ng kampanya ng pamahalaan upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain at wastong nutrisyon sa bawat komunidad.

Layunin ng pagbisita na suriin kung tumutugon ang mga lokal na taniman at proyekto sa itinakdang pamantayan ng programa.

Sentro ng pagsusuri ang tamang paggastos sa pondo at ang aktwal na epekto ng proyekto sa mga residente. Siniguro ng na hindi lamang nakatayo ang mga hardin, kundi aktwal na napapakinabangan ng mga pamilya sa barangay ang mga sariwang ani.

Nagpasalamat ang tanggapan sa kooperasyon ng mga opisyal ng barangay sa pagpapatupad ng HAPAG. Ang tagumpay ng proyektong ito ay itinuturing na pundasyon sa pagbuo ng isang masustansya, ligtas, at masaganang lokal na komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments