IMPLEMENTASYON NG HEALTHY LEARNING INSTITUTION SA LA UNION, PINATATAG SA MALALAYONG PAARALAN

Pinalalakas ng Ilocos Center for Health Development, katuwang ang Provincial Health Office at Schools Division Office (SDO) ng La Union, ang implementasyon ng Healthy Learning Institution (HLI) sa mga malalayong paaralan sa pamamagitan ng isinagawang Coordination Meeting at Onboarding sa Lungsod ng San Fernando, La Union.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga kinatawan mula sa SDO La Union, mga lokal na pamahalaan, at 26 na Last Mile Elementary Schools na nakatakdang isama sa HLI implementation sa 2026.

Layon ng aktibidad na magkaroon ng iisang pag-unawa sa HLI framework, malinaw na pagtalaga ng tungkulin sa bawat katuwang na ahensya, at maagang pag-ugnay ng mga estratehiya para sa maayos na implementasyon sa susunod na taon.

Isinailalim ang Last Mile Schools sa oryentasyon ukol sa kanilang mga responsibilidad, timeline ng mga gawain, at teknikal na suporta na ibibigay sa buong implementasyon.

Nagpahayag naman ng suporta ang SDO La Union at mga LGU sa programa, bilang bahagi ng layuning makalikha ng ligtas, malusog, at makapagpapatibay na kapaligiran sa pagkatuto para sa mga mag-aaral at guro.

Facebook Comments