Implementasyon ng ilang probisyon ng Universal Health Care law, mas napabilis dahil sa COVID-19 pandemic – Duque

Mas napabilis dahil sa COVID-19 pandemic ang implementasyon ng ilang probisyon ng Universal Health Care law.

Ito ang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III sa isang virtual forum bilang bahagi ng pagdiriwang ng international universal health coverage day.

Ayon kay Duque, dahil sa pandemya ay mas napabilis ang pagtugon ng pamahalaan kagaya ng koordinasyon ng National Government at Local Government Units.


Napalawak din aniya natin ang kapasidad para sa isolation, prevention, testing, treatment at reintegration.

Bukod dito, nakapag-adjust din ayon kay Duque ang Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) ng kanilang Pneumonia benefit packages para sa mga pasyente ng COVID-19.

Kasunod niyan ay nilinaw naman ni Duque na mahaba pa ang tatahakin ng UHC law lalo na dahil sa kinakaharap na mga isyu ng PhilHealth.

Facebook Comments