Implementasyon ng MECQ, hindi magiging hadlang sa pag-apruba sa mga stimulus package para sa mga kababayang apektado ng COVID-19

Tiniyak ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda na hindi magiging problema ang pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila sa pag-apruba nila sa stimulus package na Bayanihan to Recover as One.

Ayon kay Salceda, matagal naman na nilang ginagawa sa Kamara ang ‘remote discussions’ kung saan marami silang mga naipasang panukala sa pamamagitan ng online hearings kaya naman hindi magiging problema sa mga kongresista ang implementasyon ng MECQ.

Iminungkahi umano niya kay Speaker Alan Peter Cayetano na talakayin na lamang ang stimulus bills nang isahang malaking package nang sa gayon ay matalakay ng pangkabuuhan at hindi paisa-isa.


Paalala nito sa Kongreso, ang pinakalayunin ng mga panukala ay para sa economic recovery at dapat na nagko-complement o umaayon ang bawat programa sa bawat isa.

Umaasa si Salceda na ang lalabas na resulta ng Gross Domestic Products (GDP) bagama’t doble ang ibababa ay magiging signal sa mga mambabatas at sa gobyerno para madaliin ang pag-apruba sa mga panukala kaugnay sa COVID-19 reponse.

Inaasahang sa susunod na dalawang linggo ay aprubado na ang mga stimulus package partikular ang Bayanihan 2.

Facebook Comments