Sinuspinde muna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng modified number coding scheme sa Metro Manila na magsisimula na sana bukas, June 8, 2020.
Ayon kay MMDA Spokesperon Celine Pialago, patuloy na tumutukoy ng karagdagang mga ruta ng bus ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Hanggang ngayon kasi, marami pa ring commuters ang nahihirapang sumakay sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at ayaw ng MMDA na bigyan ng dagdag na isipin ang mga motorista.
Maghintay na lang aniya ng abiso ng MMDA kung kailan ito ipatutupad.
Sa ilalim ng MMDA Regulation 2020-001 series of 2020, otomatikong exempted sa modified number coding scheme ang mga sumusunod:
- Lahat ng pribadong sasakyan na may dalawa o higit pang sakay kabilang ang driver, sumusunod sa physical distancing at nakasuot ng face masks ang mga pasahero
- Sasakyang minamaheho ng mga doktor, nurse at iba pang medical personnel