Implementasyon ng National ID system, inaasahang mapapabilis sa ilalim ng bagong liderato ng NEDA

Umaasa sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senator Panfilo “Ping” Lacson na mapapabilis ang implementasyon ng National ID system sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Karl Chua sa National Economic and Development Authority o NEDA.

Pahayag ito nina Sotto at Lacson makaraang magbigay ng deriktiba si Pangulong Rodrigo Duterte kay Chua na agarang ipatupad ang National ID system.

Giit ni Sotto, kailangang mawala ang red tape para ito ay mangyari.


Diin naman ni Lacson, bukod sa NEDA ay kailangang kumilos din ang Philippine Statistics Authority (PSA) bilang frontline agency at Department of Information and Communications Technology (DICT) na may malaking papel din sa pagpapatupad ng nabanggit na batas.

Ilang beses ng inihayag nina Sotto at Lacson na kung naipatupad lang agad ang National ID system ay napabilis sana nito ang paghahatid ng tulong sa mga mahihirap na pamilya ngayong may COVID-19 crisis.

Facebook Comments