
Nanawagan si Senate President Chiz Escudero sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gawing mabilis ang proseso at patas ang implementasyon ng No Contact Apprehension Program (NCAP) para sa mga motorista.
Tinukoy ni Escudero ang proseso ng pag-deliver ng notices or violations (NOVs) na posibleng kakain ng oras bago pa makarating sa motoristang posibleng nakalabag sa batas trapiko.
Oras kasi na mailagay ang lahat ng impormasyon sa NCAP system ay saka pa lamang maipi-print ang NOVs at ipadadala sa may-ari ng sasakyan sa pamamagitan ng PhilPost at kapag natanggap ng motorista ay saka pa lamang siya makakaapela.
Ayon kay Escudero, lumalabas na matagal ang proseso at dahil via snail mail, maaaring pagdating ng notice or violations ay hindi na matandaan ng motorista kung ano ang kanyang naging paglabag.
Inirekomenda rin ng senador ang paggamit ng emails ng mga motorista para mapabilis ang proseso dahil posibleng maipon ang penalties kung hindi agad mabayaran ng motorista dahil nawala sa mail ang ipinadalang notice.








