Implementasyon ng NCAP, sinuspinde na ng mga LGU sa NCR

Sinuspinde na ng ilang lungsod sa Metro Manila ang pagpapatupad ng No-Contact Apprehension Policy (NCAP) bilang pagtalima sa inilabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema kahapon.

Sa Maynila, nanindigan si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na tama ang paggamit ng makabagong teknolohiya para magbigay ng mabilis at maginhawang serbisyo sa mamamayan at masolusyunan ang problema sa traffic.

Katunayan aniya, mula nang ipatupad ang NCAP noong December 2020 ay bumaba ng mahigit kalahati ang traffic violations at aksidente sa lungsod habang nawala rin ang insidente ng pangongotong.


Bagama’t suportado ay hindi naman apektado ng TRO ang Muntinlupa dahil ayon kay Mayor Ruffy Biazon, hindi pa naman talaga nila ito ipinatutupad sa lungsod dahil sa kawalan ng Implementing Rules and Regulations (IRR).

Paalala naman ng Quezon City, kahit suspendido ang NCAP ay dapat pa ring sumunod ang mga motorista sa lahat ng batas trapiko dahil patuloy ang pagbabantay ng kanilang mga traffic enforcer.

Una nang tiniyak ng MMDA at ng iba pang LGU na nagpapatupad ng NCAP ang pagtalima sa kautusan.

Facebook Comments