Implementasyon ng No Contact Apprehension Policy, pinapasuspinde ni Congressman Robert Ace Barbers

Iginiit ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang agarang pagsuspinde sa implementasyon ng No Contact Apprehension Policy o NCAP hangga’t hindi nareresolba ang mga isyu ukol dito.

Ayon kay Barbers, kailangan munang pag-aralang mabuti ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Office (LTO) at ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila na nagpapatupad ng NCAP.

Katwiran ni Barbers kailangan ng malalimang pag-review sa lahat ng kontrata o kasunduan kaugnay sa NCAP upang mabatid kung umaayon ito sa itinatakda ng konstitusyon.


Tinukoy din ni Barbers ang samu’t saring reklamo ng mga motorista laban sa NCAP.

Diin ni Barbers, base sa mga reklamo ay mukhang sa halip na maging solusyon ang NCAP ay naghatid pa ng problema, naging pahirap sa mga motorista at naging ugat din ng korapsyon.

Facebook Comments