IMPLEMENTASYON NG ONLINE CLASSES PARA SA MGA KOLEHIYO SA REHIYON, PINAG-AARALAN NA

BAGUIO, PHILIPPINES – Mahigpit na binabantayan ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga unibersidad na magbubukas ng klase sa darating na Agosto. Ito ay para matutukan ang paraan ng mga unibersidad kung paano nila isasagawa ang online classes sa kanilang apektadong mga estudyante dulot ng dalawang buwang Community Quarantine.

Ayon sa pamunuan, ang mga inaasahan nilang daragdag sa mga makakapag-enrol sa darating na pasukan ay ang mga graduating students at ang mga naka-eskedyul ng summer class ngayong taon.

Dagdag pa ng ahensya na maaaring magbukas ang mga unibersidad sa buwan ng Mayo kung ang mga eskwelahan ay may blended learning at kapasidad na makapag-operate sa pamamagitan ng online management system o online classes.


Inaasahan naman sa darating na Setyembre, kung maayos na nasusunod ng mga unibersidad ang mga health protocols na nasa direktiba ng Inter-Agency Task Force for Covid-19 (IATF) at bumababa na ang bilang ng nagpopositibo sa Covid-19, papayagan na ng CHED na magsagawa ng significant face to face o in person mode ang mga eskwelahan.

Facebook Comments