Implementasyon ng parking fee sa QC Hall Compound, pinasususpinde

Pinasususpinde ni Quezon City District 1 Councilor Alex Herrera sa Quezon City Council ang implementasyon sana ngayong araw ng parking fee sa parking building ng Quezon City hall.

Iginiit ni Herrera kay outgoing  Quezon City vice mayor at presiding officer Joy Belmonte na ipagpaliban ang takdang pagpapatupad sa ordinance SP-2676-2018  dahil wala pang nalilikha na monitoring mechanism at Implementing Rules and Regulations o IRR.

Aabot sa P50 ang sisingilin kapag mga empleyado ng Quezon City hall ang gagamit ng parking building at per hour naman ang bayad sa mga taga  labas ng Quezon City hall.


Iginiit naman ni Majority leader Franz Pumaren na dapat ay mailibre na lamang ang paggamit ng mga empleyado ng Quezon City hall sa city hall parking building gayundin sa mga taga Quezon City na may transaksiyon sa city hall.

Ito ay sa kabila na pahayag ni City Administrator Aldrin Cuna na dapat ay may uniform system sa bayad sa parking upang di ito maabuso partikular sa overnight parking.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni presiding officer Belmonte na ipadadala sa executive department and kopya ng privileges speech ni Herrera upang mabigyan tugon ang naturang mga argumento ng konseho.

Facebook Comments