IMPLEMENTASYON NG PROJECT LAWA AT BINHI SA 6 LGU’s SA ISABELA, NATAPOS NA

Cauayan City – Pormal nang nagtapos ang dalawampung-araw na implementasyon ng Project Lawa at Binhi sa anim na bayan sa lalawigan ng Isabela.

Ang programang ito ay sa ilalim ng Risk Resiliency Program ng DSWD Field Office 2, kung saan kabilang sa mga bayan mula sa Isabela na nakatangap ng benipisyo ay ang bayan ng Burgos, Palanan, Delfin Albano, San Mariano, Echague, at Ilagan City.

Umabot naman sa P30,945,600 ang halaga ng naipamahaging cash assistance sa 3,684 na partner-benificiaries na sumailalim sa Cash-For-Work/Training sa paggawa ng imbakan ng tubig, small farm reservoir, at communal garden.


Watch more balita here: KASO NG AKSIDENTE SA LANSANGAN, MAHIGPIT NA BINABANTAYAN NA ISABELA COPS

Samantala, tiniyak naman ng mga benipisyaryo na ipagpapatuloy nila ang proyektong nasimulan kahit tapos na ang programa, upang may mapagkunan sila ng kanilang magagamit sa pang araw-araw na gastusin.

Matatandaang ang programang ito ay isinagawa matapos ang naging direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.

Facebook Comments