IMPLEMENTASYON NG PROJECT LAWA AT BINHI, TAGUMPAY

CAUAYAN CITY- Inihayag ni DSWD Field Office 02 Regional Director Lucia Alan na matagumpay ang implementasyon ng Project LAWA at BINHI sa Lambak ng Cagayan.

Ipinagmamalaki nito ang Rehiyon Dos dahil sa mainit na suportang ibinibigay ng mga Pamahalaang Panlalawigan, Lokal na Pamahalaan at maging ang mga barangay na tumutulong sa kanilang mga programa.

Aniya, wala namang naitala ang kanilang ahensya na mabibigat na problema habang isinasagawa ang nasabing proyekto.


Malugod naman nitong pinasalamatan ang mga ahensya at sektor na tumutulong sa kanila upang maipaabot ang kanilang mga programa sa mga mamamayan.

Facebook Comments