Sinuri ng Department of Agriculture Region 1 ang implementasyon ng Rice Program sa Pangasinan at La Union sa isinagawang dalawang-araw na Year-End Assessment and Planning Workshop.
Layunin ng aktibidad na balikan ang progreso ng programa, tukuyin ang mga hamon, at maglatag ng mas epektibong estratehiya upang mapataas ang produksyon ng palay at mapaunlad ang industriya ng bigas sa rehiyon sa susunod na taon.
Sa workshop, tinalakay ang kabuuang accomplishment ng programa para sa wet at dry season, ang kasalukuyang trend ng produksyon ng palay, at mga update sa pagpapatupad ng Masagana Rice Industry Development Program, mga datos na gagamitin sa paghubog ng mas konkretong plano para sa 2026.
Ayon sa DA, sa pamamagitan ng pagsusuring ito, inaasahang mas mapagtitibay ang implementasyon ng rice program sa dalawang lalawigan sa darating na taon.





