“Full speed ahead” na ang pagpapatupad ng official contact tracing application na StaySafe.ph.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naresolba na ang ilang mga isyu sa contact tracing application para masimulan na ang rollout.
Sa ilalim ng community-driven software program, mayroon itong health reporting system para mabantayan ng user ang kanilang kondisyon, at mayroon din itong contract tracing, at social distancing systems.
Una nang sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ni-reject ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng contact tracing application habang pinag-aaralan ito.
Ang tracker software aniya ay hindi nakikitang “highly reliable” dahil sa hindi kumpletong mga dokumentong isinumite ng developer.
Matatandaang sinabi ng Department of Interior and Local Government (DILG) na plano nilang i-rollout ang contact tracing program ngayong buwan matapos ang ilang buwang pagkakaantala ng implementation.