Implementasyon ng trabaho para sa Bayan Law, inaasahang magpapababa sa unemployment rate ng bansa

Umaasa si Senate Majority Leader Joel Villanueva na mababawasan ang unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa bansa ngayong ipapatupad na ang Trabaho Para sa Bayan (TPB) Law.

Ang pahayag ng senador ay kasunod na rin ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ang unemployment rate sa 4.5% o 2.15 milyong Pilipino na walang trabaho nitong Enero 2024 mula sa 3.6% o 1.60 milyon noong Disyembre 2023.

Giit ni Villanueva, hindi dapat tumigil ang pamahalaan sa paglikha ng matatag na trabaho at kabuhayan.


Inaasahan din ni Villanueva na masosolusyunan ng bagong batas ang ‘seasonability of employment’ na magbibigay ng trabaho sa mga indibidwal sa tiyak na panahon.

Ngayong linggo ay lalagdaan na ang implementing rules and regulations (IRR) ng TPB Act, na magiging hudyat ng buong implementasyon ng batas.

Facebook Comments