Kumbinsido si dating LTFRB official Atty. Ariel Inton na ang implementasyon ng mga batas sa trapiko ang dahilan ng pagkakaroon ng malalang trapiko sa EDSA at mga lansangan sa Metro Manila.
Sa forum sa Balitaan sa Maynila, naglatag ng panuntunan si Inton na maaaring ipatupad upang maging maluwag ang daloy ng mga sasakyan sa Metro Manila lalo na at magbubukas ng klase bukas, Lunes, Hunyo 3.
Ayon kay Inton, dapat dagdagan ang deployment ng traffic enforcers sa mga pangunahing lansangan.
Kailangan din aniya na maglaan terminal at loading bay lamang kung saan maaaring magsisakay at bumaba ang mga commuter
Nais ni Inton na iprayoridad ang kapakanan ng mga pasahero dahil sila ang labis na apektado sa malalang suliranin sa trapiko.
Kaugnay nito, tiniyak ni Inton na sa Quezon City ay gagawa sila ng mga regulasyon upang maresolba ang problema sa traffic sa Lungsod.
Si Inton ay dating miyembro ng board ng LTFRB at presidente ng Lawyers for Commutters Safety and Protection.