Implementasyon ng TUPAD program sa bansa, hindi maaapektuhan ng nabunyag na anomalya sa pagpapatupad nito sa Quezon City

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi maaapektuhan ng nabunyag na pekeng implementasyon ng ‘TUPAD program’ sa tatlong distrito sa Quezon City ang pagpapatupad ng programa sa pangkalahatan.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na isolated case lamang ito.

Aniya, inalis na niya ang suspensyon sa pagpapatupad ng TUPAD program sa District 1 at 5 ng lungsod dahil sa kawalan ng pormal na reklamo at nagrereklamo.


Tuloy naman ang suspensyon ng programa sa District 2 habang gumugulong ang imbestigasyon.

Nabatid na nasa 1,000 residente ng Barangay Holy Spirit sa Quezon City ang nagreklamo na nakatanggap lamang sila ng P2,000 sa halip na P7,518 na dapat makukuha nila sa pagtatrabaho sa ilalim ng TUPAD program.

Facebook Comments