Implementasyon ng Universal Health Care Law sa gitna ng COVID-19 pandemic, ipinanawagan ng isang senador

Nanawagan si Senadora Risa Hontiveros sa gobyerno na simulan na ang implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Law.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Hontiveros na ipinakita ng COVID-19 pandemic na hindi handa ang bansa sa pagtugon sa public health crisis.

Giit niya, magiging madali sana ang pagtugon sa pandemya kung maayos ang health system sa bansa bagay na naisakatuparan sana kung naipatupad na ang UHC law.


Pebrero noong nakaraang taon nang maging ganap na batas ang Universal Health Care Bill na layong magbigay ng access sa lahat ng Pilipino sa dekalidad at abot-kayang health care services.

Facebook Comments