Implementation ng in-person classes, ibabatay sa sitwasyon ng mga paaralan – DepEd

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na ang aktwal na pagpapatupad ng in-person classes ay ibabase sa kasalukuyang sitwasyon sa mga paaralan.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, kailangan nilang masigurong may tubig ang bawat paaralan at ang suporta ng Local Government Units (LGUs) na tutulong kung sakaling magkaroon ng aberya.

Aniya, ang mga alituntunin para sa pagpapatupad ng face-to-face classes sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 1 at 2 ay halos pareho lamang dahil ang mga lugar na ito ay may katulad na kondisyon.


Habang ang mga paaralan sa ilalim ng Alert Level 3 ay hindi pa rin pinapayagang magsagawa ng face-to-face classes.

Batay sa DepEd, nasa 4,315 na pampubliko at pribadong paaralan na ang nagsimula ng limited face-to-face classes hanggang nitong March 1.

Facebook Comments