Nilagdaan na ng iba’t-ibang kaukulang ahensya ng gobyerno ang Implementing Rules and Regulations ng batas na sumusuporta sa paglulunsad ng startups sa bansa.
Sina Sec. Gringo Honasan ng Dept. of Information and Communications Technology (DICT), Sec. Fortunato Dela Peña ng Dept. of Science and Technology (DOST), at Sec. Ramon Lopez ng Dept. of Trade and Industry (Dti) ay pinirmahan ang IRR ng Republic Act 11337 o Innovative Startup Act.
Ayon kay Honasan, ang pagpasa sa batas nitong Abril ay maituturing na ‘Momentous Feat’ para sa Philippine Startup Community.
Sa ilalim ng batas, bubuo ang DICT ng Startup Philippines Website na magsisilbing information hub para sa Startups at Startup Enablers.
Facebook Comments