Implementing rules and regulations ng expanded maternity law, tatapusin ng DOLE sa loob ng 45 araw

Manila, Philippines – Agad na bubuuin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Implementing Rules ang Regulations (IRR) ng kapapasa lang na expanded maternity leave law.

Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III – 90 araw ang ibinigay sa kanila para buuin ang IRR.

Pero aniya, hindi na nila ito paaabutin ng ganito katagal at tiniyak na mailalabas nila ang IRR sa loob lang ng 45 araw.


Sa ilalim ng nasabing batas, mabibigyan ng 105 na araw na paid maternity leave ang mga working mothers sa gobyerno at maging sa pribadong sector.

Makakakuha din sila ng option na 30 days extension pero wala na itong bayad.

Habang may karagdagang 15 days na leave ang mga solo parents.

Pinawi naman ni Bello ang pangamba na baka hindi na tumanggap ang mga employers ng mga aplikanteng babae na pwede pang manganak.

Kung tutuusin aniya, mas kukunin pa ang mga empleyadong babae dahil magiging happy workers na sila dahil sa mas mahabang maternity leave.

Sabi ni Bello – mas produktibo ang masasayang empleyado.

Facebook Comments