Implementing rules and regulations ng UHC law, pinaparepaso ni Sen. Hontiveros

Hiniling ni Senator Risa Hontiveros sa PhilHealth at Department of Health (DOH) na i-review ang implementing rules and regulations (IRR) ng Universal Healthcare (UHC) Law.

Kasunod ito ng kautusan ng malakanyang na gawing voluntary ang premium payments ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa PhilHealth.

Kasabay nito ay pinapa-convene din ni Hontiveros ang oversight committee on the Universal Healthcare Law.


Giit ni Hontiveros, sa pagrepaso sa IRR ng UHC law ay kailangang magkaroon ng konsultasyon sa mga ofws na umaangal sa tumaas nilang kontribusyon sa PhilHealth.

Katwiran ni Hontiveros, ang dagdag 3% sa buwanang hulog sa PhilHealth ay napakalaking pasanin para sa mga OFWs lalo pa at may kinakaharap tayong krisis ngayon.

Ipinaliwanag naman ni hontiveros na sa kabila ng mga reklamo ng OFWs ay hindi maaring basta na lang abandonahin ang UHC law dahil mahalaga ang itinatakda nitong pagsasaayos sa ating sistemang pangkalusugan kung saan may mga dagdag-benepisyo sa lahat ng Pilipino, mahirap man o mayaman.

Facebook Comments