Sinisilip na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang implikasyon ng pagdami ng Chinese students sa Cagayan sa seguridad ng bansa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Francel Padilla na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon para matukoy ang pakay ng mga Chinese students.
Inaalam din ng AFP kung ligal ba ang pagpasok ng mga ito sa bansa at kung mayroon silang kaukulang dokumento.
Giit ni Padilla, talagang siniseryoso nila ang lahat ng ulat na nakakarating sa kanila patungkol dito.
Gayunpaman, hindi pa rin inaalis ng AFP ang dahilan na para lamang ito sa local o educational tourism.
Nakikipag-ugnayan na rin ang AFP sa Department of Foreign Affairs (DFA), Bureau of Immigration at Commission on Higher Education (CHED) hinggil sa nasabing issue.