Napasok ng hindi pa tukoy na grupo ng hacker ang system sa seguridad sa system ng Bureau of Customs (BOC) nitong mga nakalipas na araw.
Sa isang news forum, kinumpirma ni Customs Assistant Commissioner Vincent Maronilla na batay sa inisyal na imbestigasyon kabilang sa posibleng nakompromiso ay ang kanilang customer client portal system, auction and disposal system, at ilan sa kanilang internal system.
Ani Maronilla, naiparating na nila ito sa Department of Information and Communications Technology (DICT)at kasalukuyan nang iniimbestigahan.
Magpapatupad na rin sila ng ilang security measures para maprotektahan ang kanilang system.
Batay sa initial assessment ng DICT, mahinang proteksyon sa kanilang system ang isa sa mga dahilan ng breach, dahilan para ma-hack ang impormasyon ng ilan sa kanilang mga empleyado.