Impormasyon ukol sa kalagayan ng mga Pinoy sa London matapos ang magkasunod na pag-atake, inaalam pa ng DFA

London – Nangangalap pa umano ng impormasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa kalagayan ng mga Pinoy matapos ang magkasunod na pang-aatake sa London.

Ayon kay acting DFA spokesperson Robespierre Bolivar, patuloy ang mahigpit nilang pag-monitor sa sitwasyon ng Filipino community sa nasabing bansa.

Sa ngayon aniya ay wala pang kumpirmasyon sa mga identity at nationality ng anim na kataong nasawi.


Una rito, bigla na lamang inararo ng isang van ang ilang katao sa London Bridge na sinundan ng insidente ng pag-amok sa katabi lamang na Borough market kung saan maraming bars at restaurants.
DZXL558

Facebook Comments