Impormasyong na mahigit 2,000 Chinese Military na nasa Pilipinas para sa immersion, bineberipika na ng AFP

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung may katotohanan ang report na tinatayang 2,000 hanggang 3,000 miyembro ng People’s Liberation Army (LBA) ng China ang nasa Pilipinas.

Kasunod ito ng ibinulgar  ni Senador Panfilo Lacsan, Head ng Senate Committee On National Defense and Security na nasa bansa ang miyembro ng PLA para sa isang immersion mission pero hindi pa matukoy kung ano ang eksaktong layunin nila.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Felimon Santos Jr, nakikipag ugnayan na sila sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan para makumpirma ang impormasyon na hawak ni Senator Lacson.


Matatandaang sinabi ni Lacson na kung totoo ang impormasyon ay dapat tayong mabahala lalo’t may isyu sa West Philippine Sea.

Maging ang biglang pagtaas ng dami ng mga Tsino sa bansa at ang laki ng perang pumapasok sa bansa mula sa mga Chinese National.

Nabatid na ang PLA ay organisasyon ng land, sea at air forces ng China at isa sa pinakamalaking military forces sa buong mundo.

Facebook Comments