Impormasyong sa Nov. 5 pa maisusumite ng Kamara sa Senado ang 2021 budget, ikinadismaya ng mga Senador

Muli na namang namemeligro na maging reenacted and pambansang budget para sa taong 2021.

Kasunod ito ng impormasyong nakarating kay Senate President Tito Sotto III na sa November 5 pa maisusumite ng Kamara sa Senado ang 2021 proposed budget kahit ito ay maipasa nila ngayong araw.

Diin ni Sotto, kailangang mapasakamay na nila ang 2021 budget mula sa Kamara sa susunod na linggo o hanggang sa October 30 para may sapat silang panahon na ito ay pag-aralan.


Ang Senado ay nagpasya na sa halip na November 16 ay inagahan na nila ng November 9 ang pagbalik ng kanilang plenary session para agad maisalan sa deliberasyon ang 2021 budget.

Hinala naman nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senator Panfilo Ping Lacson, pagkatapos aprubahan ang budget ngayong araw ay magsisingit pa ng mga ammendments ang mga Kongresista bago ito maiprenta at maipadala sa Senado.

Facebook Comments