Import ban sa ibon at poultry products mula sa Michigan, USA, inalis na ng DA

Tinanggal na ng Department of Agriculture (DA) ang ipinatupad na pagbabawal sa pag-aangkat ng ibon at poultry products mula sa Michigan, USA.

Sa Memorandum No. 47 na inilabas ni Agriculture Secretary Francisco Tiu, ang temporary import ban ay inalis kasunod ng report ng US veterinary authorities sa World Organization for Animal Health na ang kaso ng high pathogenicity avian influenza sa Michigan ay naresolba na at wala nang naitatalang bagong kaso.

Noong Hunyo, ipinatupad ang temporary import ban sa domestic at wild birds mula Michigan, kabilang ang poultry meat, day-old chicks, eggs, at semen, dahil sa report ng avian flu outbreak upang maprotektahan ang mga mamimili at local poultry industry ng bansa.


Ani Sec. Laurel, epektibo agad ang pagtatanggal sa temporary import ban ngunit ang lahat ng import transactions ay dapat alinsunod sa DA rules and regulations ng agricultural food imports.

Facebook Comments