
Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang import ban sa mga manok at poultry products mula sa bansang the Netherlands.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., tiwala siyang ganap nang nakontrol at napigilan ang panganib na dala ng Highly Pathogenic Avian Influenza sa naturang bansa.
Dahil sa pag-lift ng ban, lahat ng import transaction ay magpapatuloy sa ilalim ng napagkasunduang kondisyon at mga rules and regulation ng kagawaran.
Ang nasabing kautusan ay magkakabisa ng 15 araw matapos na maipost sa official website ng DA at maihain ito sa Office of the National Administrative Register.
Samantala, pinapayagan na rin ng DA ang pag-aangkat ng karne ng manok, day-old chicks, itlog, at semilya sa nasabing bansa.
Facebook Comments










