Import ban sa mga poultry product mula Brazil, tinanggal na ng DA

Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang pansamantalang import ban sa mga domestic, wild birds, at iba pang poultry products na mula sa Brazil.

Batay sa Memorandum Order No. 35, wala nang naiulat na outbreak ang mga veterinary official ng Brazil sa World Organization for Animal Health (WOAH) mula pa noong June 18 kaya’t inalis na ang ban.

Dahil dito, maaari nang makapasok sa bansa ang mga manok, sisiw, itlog, at semilyang ginagamit sa artificial insemination matapos lumabas na halos walang panganib sa lokal na industriya ang mga imported na manok at produkto.

May 19 nang ipagbawal ng DA ang pag-aangkat ng mga poultry animal mula sa naturang bansa na isa sa pinakamalaking exporter ng manok sa buong mundo dahil sa pagkalat ng Avian Influenza.

Facebook Comments