Import ban sa poultry imports mula sa Japan, inalis na ng DA

Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbabawal sa importasyon ng domestic at wild birds at kanilang by products mula sa Japan.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Japan sa World Organization for Animal Health (WOAH) na wala ng kaso ng highly pathogenic avian influenza sa nabanggit na bansa.

Ang import ban na ipinatupad ng DA noong November 2024 ay sumasakop sa karne ng manok, day-old na sisiw, at semilya.

Dahil sa pag-alis ng import ban, lahat ng transaksiyon sa pag-aangkat na may kinalaman sa poultry products mula sa Japan ay kinakailangang sumunod sa umiiral na patakaran sa sanitary at phytosanitary at import protocols ng DA.

Ang desisyon ay inaasahang makatulong upang mapatatag ang poultry supply chains at makapagbigay ng mas malakas na kakayahan sa supply ng mga lokal na negosyo.

Facebook Comments