Inihahanda na ng Department of Agriculture (DA) ang import order para sa pag-aangkat ng puting sibuyas.
Ayon kay Agriculture Asec. Rex Estoperez, target nilang masimulan ang importasyon ngayong buwan upang mapigilan ang pinangangambahang pagsipa na naman ng presyo ng sibuyas gaya ng nangyari noong nakaraang taon.
Aniya, isinasapinal na lamang nila ang ilang detalye gaya ng kung gaano karami ang aangkatin.
Pero batay sa naunang figure, posible umanong mag-angkat ang DA ng 8,800 metric tons ng puting sibuyas na sapat para sa dalawang buwang konsumo.
Una nang sinabi ng Bureau of Plant Industry na tatagal na lamang ang supply ng puting sibuyas sa bansa sa Setyembre habang hanggang Nobyembre na lang ang pulang sibuyas.
Iminungkahi naman ni House Committee on Food and Agriculture Chairperson at Marikina Rep. Stella Quimbo sa BPI na magpataw ng taripa sa mga aangkating sibuyas.
Ito ay upang makontrol ang volume ng imported onions at maprotektahan ang mga lokal na magsasaka.