Importansya ng civilian personnels sa mga misyon ng AFP, kinilala sa ginanap na 124th Civil Service Anniversary

Iginiit ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Deputy Chief of Staff for Personnel, J1, Major General Rommel Roldan na mahalaga ang Civil Service para sa Nation-Building at ang ginagampanang tungkulin ng AFP Civilian Personnel na kabilang sa Military Organization.

Ang pahayag ay ginawa ni Roldan makaraang pangunahan ang 124th Civil Service Anniversary ng AFP.

Bahagi din ng selebrasyon ang panunumpa ng mga newly appointed and promoted civilian personnel.


Muli ring nanumpa dito ang mga civilian supervisors ng AFP na patunay ng kanilang dedikasyon upang pagsilbihan ang bayan ng may integridad at propesyonalismo.

Ibinahagi din dito ng ilang Military Officer ang kanilang mga kaalaman at karanasan upang magsilbing gabay at inspirasyon sa tamang pamumuno at serbisyo publiko.

Sinundan naman ito ng awarding ceremony para kilalanin ang exemplary performance at kontribusyon ng mga outstanding employees and offices sa lahat ng misyon ng AFP.

Facebook Comments