Importasyon ng bigas, pansamantalang ipinagbawal ng Department of Agriculture

Ipinagbawal muna ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng mga bigas ngayong buwan.

Ayon kay DA Undersecretary Ariel Cayanan, nagsimula na kasi ngayon ang panahon ng pag-ani ng mga palay ng ating mga lokal na magsasaka.

Matatandaang unang sinisi ng ilang grupo ng mga magsasaka ang pagbuhos ng mga inangkat na bigas na naging dahilan upang bumagsak ang presyo ng palay sa ilang probinsya.


Batay sa datos ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), aabot lamang sa 14 pesos ang presyo ng kada kilo ng palay sa Region 1 habang P13.50 naman sa Region 2 at P10 sa lalawigan ng Mindoro.

Anila, luging-lugi ang ating mga magsasaka lalo na’t mas mababa pa ang mga ito kumpara sa ginagastos pagdating pa lamang sa produksiyon.

Nanawagan din ang mga magsasaka na dapat hindi bababa sa P17 ang kada kilo ng bentahan ng palay.

Facebook Comments