Manila, Philippines – Hinikayat ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang Department of Agriculture na suspendihin ang importasyon ng karne, manok at gulay.
Ayon kay SINAG Chairman Rosendo So – nalulugi na kasi ang local industry dahil napipilitan na silang ibenta ang kanilang mga produkto sa napakababang halaga.
Aniya, mamamatay ang local meat industry ng bansa kung hindi ito pangangalagaan ng gobyerno.
Noong 2016, nasa 232 million kilos ang chicken importation, umakyat ito sa 244 million kilos noong 2017 hanggang sa umakyat sa 310 million kilos noong nakaraang taon.
Umabot naman sa 275 million kilos ang imported na baboy noong 2016, 305 million kilos nonong 2017 at 387 million kilos noong 2018.
Nauna nang nanawagan si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na suspendihin ang importasyon ng karne ng baboy at manok dahil bukod sa naaapektuhan na ang kabuhayan ng mga local backyard raisers, wala naman aniyang nararanasang famine ang bansa.
Nanawagan din ito sa DA at BOC na higpitan ang pagpasok ng imported meat mula sa ibang bansa na may kaso ng African swine fever.