Importasyon ng palm oil sa bansa, ipinatitigil

Ipinahihinto ni House Minority Leader Danilo Suarez ang importasyon ng palm oil dahil sa mababang presyo ng kopra sa bansa.

 

 

 

Aniya, apektado na ang mga magsasaka ng niyog dahil nasa P15 kada kilo na lamang ang kopra kumpara sa P30 hanggang P40 noong nakaraang taon.

 

 

 

Sa House Resolution 2519, pansamantalang ipinatitigil ang importasyon ng palm oil.


 

 

 

Ipinasisiyasat din sa Department of Trade and Industry (DTI) ang nasabing pagbagsak ng presyo at ipinatitigil ang importasyon ng palm oil.

 

 

 

Ipinapataas naman sa P25 ang presyo ng kopra bilang suporta na rin sa industriya ng niyog sa bansa.

 

 

 

Nadiskubre kasi ng kongresista na tumaas ang inaangkat na palm oil ng halos 100% kumpara noong 2016 na karamihan ay nanggagaling ng Malaysia at Indonesia na wala namang taripa base sa ASEAN trade in goods agreement.

Facebook Comments