Nakikiusap si Nueva Ecija Rep. Rosanna Ria Vergara sa Bureau of Plant Industry (BPI) na tigilan na ang pagbibigay ng import permit para sa sibuyas.
Ayon kay Vergara, Umiiyak na umano ang mga lokal na magsasaka dahil sa mga imported na sibuyas na masyadong bababa ang presyo.
Binanggit ni Vergara na ang landed cost ng imported na sibuyas ay P35 kada kilo na malayo sa P65 hanggang P70 kada kilo na farm gate price sa bansa.
Giit ni Vergara, sapat pa ang ating stock ng locally produced onions pero wala ng gustong bumili ng locally produced red onions dahil sa pagdating ng mga inangkat na sibuyas.
Nanawagan din si Vergara sa gobyerno na tulungan ang mga magsasaka na maibenta ang kanilang produkto sa mga end user.
Facebook Comments