Importation ban ng mga manok mula sa Brazil, pinababawi ng DTI

Pinababawi na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang importation ban sa mga karne ng manok mula sa Brazil.

Giit ni DTI Secretary Ramon Lopez, maaaring magkulang ang supply ng poultry products sa bansa kung ipagpapatuloy ang ban sa mga karneng manok na mula sa bansang Brazil.

Aniya, sumulat na rin siya kay Department of Agriculture (DA) Sec. William Dar para bawiin na ang importation ban nang hindi maapektuhan ang supply ng pagkain sa Pilipinas lalo pa’t ang poultry products ang malaking porsyento ng mga binibiling pagkain ng mga Pilipino.


Nanggagaling kasi aniya sa Brazil ang major raw material ng mga processed meat producers kaya malaki ang tsansang magkulang sa supply kapag nagkulang ang kanilang required ingredients para mag-produce ng produkto.

Una nang ipinatupad ang temporary ban sa mga poultry products mula Brazil bilang precautionary measures matapos magpositibo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 ang kanilang mga karneng manok.

Facebook Comments