Naglabas ng importation ban ang Department of Agriculture (DA) sa mga karne ng baboy mula Germany kahit hindi pa ito apektado ang African swine fever o ASF.
Ito ay matapos madiskubre sa Cebu kamakailan na naisama sa shipment galing Germany ang 260 kilos ng meat imports mula Poland na apektado ng ASF.
Ayon kay National Meat Inspections Service (NMIS) Executive Director, Dr. Ernesto Gonzales – hiningi na nila ang panig ng importer at posibleng kasuhan kapag napatunayang sinadyang ipuslit ang mga karneng mula Poland at ihalo sa mga imported na karne mula Germany.
Nagbabala naman ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa DA sa posibleng epekto sa presyo ng baboy sa importation ban lalo na sa mga hindi pa apektado ng ASF.
Sa datos ng Bureau of Animal Industry (BAI), ang Germany ang may pinakamalaking export ng karne ng baboy sa Pilipinas.