Importation policies ng bansa, ipinare-review ng isang kongresista

Ipinare-review ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez sa Department of Agriculture (DA) ang importation policies na nakaka-apekto ngayon sa local market sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Alvarez, i-review at i-recalibrate na ng ahensya ang importation policies ng bansa upang maisalba ang kabuhayan ng mga local farmers.

Tinukoy ni Alvarez na ngayong nahaharap ang buong mundo sa health crisis ay bumagsak ang ‘consumer demand’ kasabay ng pagsasara ng mga restaurants.


Ang mga bansang may mataas na capacity production ng mga produkto tulad ng karne at iba pang surplus perishable goods ay bumabagsak sa mga bansa tulad sa Pilipinas kung saan nakakaapekto ito sa kabuhayan ng mga magsasaka at local producers.

Ipinunto pa ng kongresista na ang pagiging maluwag ng gobyerno sa importasyon at kawalan ng regulasyon sa free market ang pumipigil sa lokal na merkado na maging competitive dahil mas mura ang mga imported na produkto at hindi ito kayang tapatan ng mga local farmers.

Nagbabala si Alvarez na kung hindi ito agad aaksyunan ng ahensya ay tiyak na magko-collapse ang local agricultural sector at magbubunga ito ng ‘domino-effect’ sa pagkawala ng kabuhayan ng mga magsasaka.

Hindi rin aniya malabo na magsara ang maraming negosyo sa bansa at lumobo ang unemployment kung magpapatuloy ang kaluwagan sa importasyon.

Facebook Comments