Sampaloc, Manila – Patay ang isang binata matapos malason sa isang birthday party ng kaibigan sa Sampaloc, Manila.
Batay sa death certificate ng 21-anyos na si Jonathan Ravela, acute respiratory failure ang ikinamatay nito dahil sa pag-inom ng methanol, o likidong ginagamit sa pag-embalsamo ng patay.
Maswerte namang nakailigtas ang tatlong kaibigan ng biktima na nakainom din ng nasabing inumin.
Ayon sa mga ito, isang bisitang babae ang nagpainom sa kanila nito at sinabing imported na inumin ito.
Sa ngayon ay pinaghahanap na ng Manila Police District ang babaeng suspek at inaalam pa kung ano ang posibleng intensyon nito sa krimen.
Facebook Comments