IMPORTED NA MGA SIBUYAS, HUWAG MUNANG IPASOK SA MERKADO, HILING NG ILANG ONION FARMERS SA BAYAN NG BAYAMBANG

Sa pagtaas ng presyo ng sibuyas sa merkado ay ang kailan lamang pag-apruba ni Pangulong Marcos na importation ng 21, 060 metrikong toneladang pula at puting sibuyas.
Sa kabila nito, papalapit na rin ang kadalasang harvesting period na mula Enero hanggang Marso kaya’t hiling ng ilang magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan, sa bayan ng Bayambang na huwag munang pasukan ng imported ang mga pamilihan hanggang matapos ang anihan.
Ayon din kay ACT Teachers Rep. France Castro, wrong timing ang importasyon at lalo nitong paliliitin ang kita ng mga magsasaka .

Sa nalalapit na pag-aani ay positibo naman ang mga onion farmers sa bayan ng Bayambang na makakabawi ang mga ito sa nagdaang pagkalugi noong mga nakaraang mga taon. |ifmnews
Facebook Comments