Importer at consignee ng mahigit ₱2-B halaga ng droga na nasabat, hindi pa tukoy

Hindi pa tukoy ng PNP Drug Enforcement Group ang pagkakakilanlan ng importer at consignee ng multi billion pesos na halaga ng shabu na nasamsam sa Manila International Container Port (MICP).

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., on-going pa kasi ang kanilang imbestigasyon hinggil dito.

Sa paunang impormasyon, 1,109 pakete ng Shabu na nakasilid sa isang 40-footer container van na nagkakahalaga ng ₱2.19B ang nakumpiska ng mga awtoridad.


Galing umano ang kontrabando sa Mexico.

Lumalabas na halos walong buwan nang nakatengga ang shipment mula nang ito ay dumating sa MICP noong Pebrero.

Facebook Comments