Importers at customs brokers na sangkot sa smuggling ng mga used cargo trucks at general merchandise, pormal nang sinampahan ng reklamo sa DOJ

Pormal ng inihain ng Bureau of Customs (BoC) sa Department of Justice (DOJ) ang reklamo laban sa mga importers at customs brokers na sangkot sa smuggling ng mga used cargo trucks at general merchandise na nagkakahalaga ng P4.39 million.

Criminal case ang inihain laban sa Arabia Platinum Construction and Development Company at sa kanilang mga customs brokers dahil sa kabiguang magdeklara sa manifesto sa tatlong 2018 cargo trucks na walang DTI- Certificate of Authority to Import.

Samantala criminal case rin ang inihain laban sa Emego General Merchandise dahil sa misdeclaration ng P1.95 million na halaga ng general merchandise.


Sila ay nahaharap sa reklamong paglabag sa probisyon ng Customs Modernization and Tariff Act; Executive Order No. 877-A o Comprehensive Motor Vehicle Development Program; at sa Revised Penal Code.

Facebook Comments