‘IMPOSIBLE’ | Arbitral court ruling sa WPS, imposibleng maipatupad

Manila, Philippines – Sa tingin ni Senator Panfilo Ping Lacson, marami sa mga Pilipino ang hindi nakakaalam na imposibleng maitupad ang desisyon ng international arbitral court ukol sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ito ang nakikitang dahilan ni Lacson kaya lumabas sa survey ng Social Weather Station (SWS) na 84-percent ng mga Pilipino ay hindi tanggap na walang ginagawa ang gobyerno laban sa patuloy na militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.

Nauunawaan ni Lacson kung bakit nakakaramdam ng pagkadismaya ang mga Pilipino sa kabutihan at pakikipagkaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.


Paliwanag ni Lacson, natural lang na malaki ang inaasahan ng mga Pilipino mula sa pamahalaan lalo pa at kilala si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakaroon ng malakas na political will.

Sabi ni Lacson, napatunayan ito ng mapwersa ni Pangulong Duterte na magbayad ng utang sa buwis ang Mighty Corporation, negosyanteng si Lucio Tan, Mile Long property at iba pa.

Facebook Comments