IMPOSIBLE | Dagdag buwis sa langis na ipinataw ngayong taon, hindi maaring suspendehin

Manila, Philippines – Imposible nang masuspinde pa ang dagdag buwis sa produktong petrolyo na ipinataw ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law simula nitong January 2018.

Paliwanag ni Committee on Economic Affairs Chairman Senator Sherwin Gatchalian, maraming nakakabit na programa sa koleksyon mula sa dagdag buwis sa langis ngayong taon.

Inihalimbawa ni Gatchalian ang pondo para sa free higher education at free irrigation.


Sa pagdinig ng komite ni gatchalian ay ikinatwiran naman ni Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua na base sa probisyon ng train law na tanging pwede lamang suspendehin ay ang ipapataw pa lang na dagdag buwis.

Ayan kay Chua, base sa TRAIN law, ang suspensyon ay maaring lang din gawin kapag tumaas sa 80-dollars per barrel Ang presyo ng petrolyo sa world market na nangyayari na ngayon.

Sa pagdinig ay tiniyak naman ni Chua na matutuloy ang plano na tatlong buwang suspension sa 2019 ng ikalawang bugso ng dagdag buwis sa langis.

Facebook Comments